Tuesday, June 2, 2009

F.T.L.Y (Fated To Love You) - entry 2

Share it Please
"jiu shi jiu ci wo ai ta.." - I love him 99 times

Na-blog ko na ang series na ito dito. Pero ilang araw na kasi akong napupuyat kakanood kaya magsulat ako ulit. Malapit na nga akong matapos eh. Apat na episode na lang. Hindi ko kasi ma-isang bagsak dahil nakakapagod. Nasanay ata ako sa mga anie na 20minutes lang ang isang episode.

Ang masasabi ko lang, kahit sa umpisa hindi mo gusto yung bida, habang tumatagal maa-appreaciate mo siya sa series. Mas type ko kasi taalga si Dylan. Pero ewan ko ba, parang mas pipiliin mo narin si Steven sa series (haha feeling kasali ako). Nakakatuwa kasi talaga sya. Napakasungit pero sweet. Kakaloka. Lalo na nung narealize na nyang mahal niya si Cindy. Hahaha hari sa pagiging denial biruin mo yun=P Basta nakakatuwa. Pero ayun nga maiisip mo lang ata talaga kung gano kahalaga ang isang tao pag nawala na siya sayo. Drama no? Pero totoo eh. hehehe..

Dami ring magagandang quote dun sa series. At dahil rin sa series na yan napapa-visit tuloy ako ng mga mandarin na site. Inaalam ko kasi yung mga meaning nung ibang lines nila. Hahaha nakakaaliw nga eh. Although di pa ako masyado satisfied na yung isang word kasi parang ang daming pwedeng way sabihin. Gaya ng darling, pwede din gamitin dun yung Bao Bei , na pinyin din ng baby. Hahaha! Sana pag may isang word may isang pinyin lang din =P Hehehe baka sabihin nakikialam ako hindi naman ako Chinese hahaha!

Ayun sana matapos ko na to this week. Alam ko naman na yung ending eh. Hindi ko lang alam pano naging ganun. Basta nakakatuwa. Wo xihuan Ji Cun Xi. Wehehehe :D

Okay back to work na ulit. late ako (super late) today kaya hanggang 12mn pa ako eh. Sana hindi pahirapan sa pag-uwi maya.

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers