Monday, May 11, 2009

Mother's Day

Share it Please
Sa SM Dasma kami nagpunta para i-celebrate ang Mother's Day. Kumain lang kami actually at nag-arcade. Papa ko kasi at mga batang kapatid ay napakahilig sa arcade katulad ko. Pero iba-iba kami ng nilalaro. Grabe buti nga nakalaro na ako ng Dance Maniac bago kinarir nung ala-dancer na guy eh. At least naka-ilang round na ako bago siya hehe..

Si mama lagi nagyaya na umuwi na eh. KJ nga raw sabi ng mga kapatid kong bata. Kaso Mother's Day walang magawa haha! So ayun 2pm paluwas na ako ng Manila. Sunday na kasi ako umuuwi para di pagod ng Monday pagpasok.

Pagdating ng Pasig hindi ako naka-swim. Kaya ayun buong gabi nag-general cleaning lang ako. Nilipat ko yung ibang gamit. Imagine, nabuhat ko yung TV ni Mae! hahaha! Mabigat din yun ah. Satisfied naman ako sa naging result. Pinagpalit ko lang naman actualy ng side. Para lang maiba =)

Sa mga friends ko na mommy na na hindi ko nabati kahapon, Belated Happy Mother's Day! Sorry hindi ako gano nakapagtext kahapon eh. Hope naging memorable ang araw nyo kahapon. Ganun rin sa lahat ng mommy ng mga friends ko. God bless sainyo! =)

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers