Sunday, May 15, 2005

nakakatamad na sunday

Share it Please
i was with my cousins last night. tambay lang kami sa labas ng compound. sharing updates of our lives. sila yung mga cousins ko na luma-love life. at least wala pa namang nahuhuli sa kanila ng parents. their really too young for those things kahit sino talaga ang tanungin. iba na talaga ang kabataan ngayon (yuck feeling matanda!). i seldom visit them especially now that i already started working. pero masaya talaga sila kasama. later nga we will go to church ng sama-sama kami. ako talaga ang pinakamatanda sa kanila, unfortunately lahat halos sila mas matangkad sakin. lalo na yung pinsan kong si Jo. she's about 5'6-5'7, knowing that she's only 14 years old. parang nung ganung edad ko wala pa ata akong 5 feet.:( magkaroon ka ba naman ng mga higanteng magulang. hay naku.

di ko alam kung matatawa ako or maiinis but two of them keep on mimicking Mahal's voice. nung una natatawa pa ko. then pag matagal, nakakairita na. kulit kasi nung mga yun kung sinu-sino ang ginagaya. dati si teri aunor pa nga eh. yun sobrang benta talaga sakin dahil ang galing nila.:)

i watched SOP kanina. tuwing maririnig ko yung song na Miracle, para kong maiiyak lalo at naalala ko yung winning moment ni Jonalyn. nakakatuwa kasi siya. hay naku. sana lang ano someday..pero i don't think mangyayari pa yun. masyado na silang marami eh.hay...

share ko lang yung dream ko nung friday night. natakot talaga ko. i can still feel that strange fear and pain nung mamatay ako sa dream ko. may nag-slash daw ng leeg ko. hay sobrang takot pa naman ako sa dugo. mas lalo na ang mamatay. parang sa panaginip ko ramdam na ramdam ko yung ngyari. natakot talaga ko. two of my friends were there. and yung isang friend ko yung tumulong sakin. i don't know kung ano ang ibig sabihin nun kasi yung guy na yun yung sinabihan ko na friends lang kami. and he was there helping me. ang bait nga. oh well. panaginip lang naman yun.. this was the second time na namatay ako sa panaginip ko. nakakatakot..

2 comments:

Jen said...

grabe, scary nga ung ganung panaginip.. ako dn nga minsan e! ang weird ng mga dreams.. anyways, pray nalng tayo dat evrything will b ok & nothing bad will happen..

tke care! il c u soon.. Godbless sa work!!! :)

sally said...

hi jen!oo nga eh.hay.tnx po:D tama dpat lagi pray.cge po god bless din and ingat parati!

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers