Pinalabas ulit kahapon yung Wish Ko Lang episode na si Dawn Zulueta ang gumanap. Tungkol siya sa isang OFW na nagkasakit ng cancer. Worse, nalaman niyang maysakit siya kasabay ng balitang buntis siya =( Nakakalungkot nga eh. Hindi ko siya napanood kahapon pero naaalala ko pa yung kwento. Napanood ko yun nung nasa bus ako pabalik ng Manila. Imagine, nasa bus pa ako nun ha? Pero tumulo talaga luha ko dahil ang lungkot ng kwento niya. Pati nga mga katabi ko umiyak eh. At may mga lalake sa likuran namin na nag-comment na "Ano ba naman yan nakakaiyak." Ang nangyari kasi tinuloy nya yung pagbubuntis. Pero may taning na ang buhay niya. Anim na buwan nalang raw. Sa maikling salita, kapos siya ng tatlong buwan para sa bata. Kaya yun talaga yung parteng nakakaiyak.
Nagtagal ang buhay nung babae mga pitong buwan. Kaya napilitan ang mga doktor na caesarean na ang gawin. Sa pagkakaalala ko nga hindi na niya nakita yung bata. Kasi yung mismong operasyon namatay na siya =( Hindi na rin nga niya nakasama yung asawa at mga anak niya nung habang naka-confine siya sa ospital. Nakakalungkot talaga yun. Pinilit na lang niya mabuhay para dun sa magiging baby niya. Ibang klase talaga.
Sana lumaki ang batang naiwan niya ng maayos. Malaki ang hirap na dinanas niya para mabuhay lang yun. At sana nasa maayos na lagay parin ang pamilya niya hanggang sa kasalukuyan =)
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment