Maaga ako nagising kaninang umaga. Kaso naglinis ako ng condo ni mae kaya ayun na-late na rin ako if ever man na papasok pa ako. Kaya nung mga 11am nagdecide na ako na mag-SL na lang para maaga na rin ako makauwi dito sa Cavite. Wala rin daw tao halos sa office sabi ni Ross.
Sa megamall na ako nag-lunch. Dapat magkikita nga kami ni mama at sabay na uuwi kaso ang tagal pa niya. Ayun nag-window shopping nalang muna ako (Opo wala po akong binili pramis) at nagpareserve na rin ng tickets para sa Cook-Archuleta Concert. Sa Sabado ko babalikan yung tickets. Hintayin ko pa kasi baka okay rin yung seats na nakuha nung sa kapitbahay namin. Pero kapag wala paring balita bilhin ko na yung tickets na yun sa Sabado. Good seats na rin naman. Seventh row sa gitna. Sa VIP kami.
Nag-lunch ako sa foodcourt. Imagine dati-rati naiilang ako kumain mag-isa pero ngayon parang nasasanay na ako. Ang dalas na kasi nangyayari. Hindi rin naman kasi maiwasan. And kiber na sa mga taong nakikitingin hehe..
Since maaga pa naman nag-Timezone na rin muna ako. Siyempre ang aking Timezone Routine: Dance Maniac, Dance Rev, at Basketball. And guess what, may bago na akong record sa Basketball. 358! hahaha! Sakit na ng mga braso ko niyan ha? ibang level hehe. Sayang nga kasi yung ibi-beat na record 421. Kung hindi lang nangangalay na yung mga braso ko hehe.Naalala ko nung unang sinubukan ko yung basketball na yun 150 hingal na hingal na ko. Ngayon umabot na ako ng 300+. ito ang pruweba:
Nagtingin-tingin din ako sa kabilan side na arcade. Yung puro tokens naman. May Dance maniac din dun and Dance revo na kakaiba. Yung puro slanted yung arrows. Baka sa susunod yun naman ang itry ko. At meron din dun yung parang drum mania. Pero parang totoo yung set eh. Di ko masyado tiningnan eh. At may career mode na videoke. Yung parang sa Robinson's Place (Ermita) na nasa gitna pa talaga yung kakanta. May mini stage ka kung baga at pwede ka mag-peformance level hehe..
Ayun lang naman ang mga kaganapan ngayong araw na ito. Grabe ang sarap mamili kung marami lang extrang cash. Ang daming magagandang gamit sa bahay eh. Lalo na ang dami pa naming kulang dito sa bahay namin. Pero dibale, unti-unti lang. kakayanin din yun ng powers ko =)

No comments:
Post a Comment