By:
sally
on Wednesday, April 15, 2009
Natuloy rin akong mag-swimming kagabi. Maaga kasi ako nakapasok so 5pm nakaalis na ako ng office. Nakapagsimula ata ako around 6pm na. So medyo madilim na. Mga isang oras at kalahati akong lumangoy. Tapos ayun akala ko okay naman lahat. Bigla nung kumakain na kami parang nilalamig ako. At yun na nga kaninang umaga sama na ng pakiramdam ko. Actually hanggang ngayon mabigat pakiramdam ko. Ang hirap tuloy magkikikilos. Sana matapos na itong araw na to para makauwi na ako sa cavite. Kailangan ko pa kasi umuwi samin dahil sweldo ngayon. Sana maya-maya lang umepekto na yung gamot na ininom ko.
1 comment:
baka nabigla ka...
Post a Comment