Wednesday, April 1, 2009

Last Day ng Pahinga

Share it Please
Yep. Ito na ang huling araw dun sa 5-day leave ko. Hay. Ang sarap pa naman ng ganito. Nasa bahay ka lang. Kain, tulog. Lakad-lakad. Ganun. Mas masarap talaga yung hawak mo lang yung oras mo tapos kumikita ka parin. Kailangan talaga makaisip na ako ng business. Yung maliit lang muna para unti-unti may iba pa kaming pinagkukuhaan ng panggastos. Tapos buong linggo ko pa kasama pamilya ko. Sa ngayon kasi weekend ko lang sila nakakasama. Pero okay naman kasi at least talagang kapag umuwi ako focus lang ako na makipag-bonding sa kanila. Lalo na sa mga chikiting sisters ko =)

Kapag tinitingnan ko nga yung mga batang yun (naks, parang sobrang tanda ko na), parang ang sarap lang maging bata. Kasi sa kanila parang ang simple lang ng lahat ng bagay. Kapag gutom ka, eh di kumain. Kapag pagod, di magpahinga. Samantalang tayong malalaki na lahat na lang ng bagay at kilos eh may kino-consider. Kapag pagod ka hindi ka agad makapahinga kasi may tinatapos ka pa na trabaho. Kung gusto mo magbakasyon kalimitan hindi mo rin agad nagagawa. Iniisip ko nga, simple lang ang mga bagay diba? So tayo lang ang nagpapakumplikado hehe. Kaso ganun na talaga eh. Kaya nga dapat ang laging goal eh gawin ang kung ano ang nagpapasaya satin. Para sa huli walang sisihan na hindi o nagawa kesyo ganito ganyan kasi.

Hay ano ba tong mga sinasabi ko. Epekto lang ng antok na hindi ko naman itinulog. Marami pa akong isusulat sa susunod eh. Mga ilang bagay pa na pinagkakaabalahan ko sa ngayon. Pero dito nalang muna sa ngayon. Kain muna ako ng meryenda =)

2 comments:

bev said...

wow sarap ng pahinga ah. tapos next week pahinga ulit.

sally said...

bev! oo nga eh.hehe.pero di na dere-deretso yung next week kasi nakakahiya na magpaalam sa boss sa us. kung wala ako sa 16th baka nagleave parin ako haha!

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers