Wednesday, April 8, 2009

F.T.L.Y. (Fated To Love You)

Share it Please
Baby, Honey, Mahal kita
Di ko mapigil 'tong nadarama
Turuan man ang puso kong ito
Ikaw parin ang siyang hinahanap-hanap ko..


Ito ang asianovela na kinahuhumalingan ko ngayon sa GMA 7. Kwento siya ng dalawang taong aksidente lang ang pagtatagpo sa isang kwarto na nagresulta sa baby. Yep. Bida dito si Joe Chen yung bida rin sa Frog Prince. Pero hindi yung laging kapartner nya yung leading man. Iba this time. Pero sa unang tingin nga hawig sila nung sa Frog Prince eh. Siguro mas cute lang si Steven dahil mas maputi siya at nakakatuwa kapag bugnutin.

Maganda ang role ng bidang guy dito. Ewan ko ba. Hindi naman talaga siya yung mabait. lagi pa nga niyang pinapaiyak si Cindy. Pero ang daming times na nagpapaka-Knight in Shining Armor sya sa series. kaya ayun. Dami tuloy kilig scenes. Nakakatuwa. Yung isang episode nga about dun sa bidding grabe. Parang feeling ko ako yung bidang babae. Hiniling kasi ni Cindy na huwag raw maging masyadong mabait si Steven dahil nalilito siya. Na alam naman nyang hindi siya dapat magkagusto dun sa tao pero ayun at lalo lang siyang nahuhulog kapag mabait sa kanya si Steven. Eh talaga namang weirdo yang si Steven eh. Ewan ko ba. Pero cute siyang weirdo in fairness. Hay. Sana may steven din ako. Kahit na weirdo prince charming parin yun no?

Ayun so far hindi pa ako nakakabili ng copy. Nawawala kasi sa isip ko kapag naglilibot ako. Dibale sa Sabado bibili na talaga ako. O kaya kung merong bukas na tindahan bukas. sana meron. hindi na ako matahimik eh. nakakabitin kasi kapag sa tv. Hahaha! Bigla ko tuloy naalala si Stoeker. Source ng mga series yun eh =P

Ano nga kayang mangyayari sa kwento? Dalawa na nakausap ko na okay raw eh. hehehe.. naniniwala naman ako. Alam ko wala namang hindi happy ending na kwento si Joe Chen. And syempre yun ang gustung-gusto ko. Sino ba namang hindi diba? ( Ay si TJ pala gusto yugn mga may namamatay sa ending hahaha!Peace TJ!)

Hmmm may isa pang okay na character eh. Si Dylan. Yung napagkamalang pari ni Cindy. Sabi ko nga nung una kung pari siya sa story, aba ay napakaguwapong pari naman nun! Hahaha! pero ayun nag-end up na hindi naman talaga siya pari. tumutulong lang siya sa isang orphanage pero isa talaga syang director sa business ng pamilya nila. Sayang nga eh. Pwede rin siya ang maging partner ni Cindy. Always reliable ang guy nayun eh. Parang sumusulpot basta kailangan ni Cindy ng tulong. Okay nga eh. Pero ayun siyempre siya ay isang third party sa story. Dibale andito lang ako Dylan =P

kapag nanood ako ng mga ganitong palabas, naiisip ko na sana dumating din yung time na yung story ko mismo ako kikiligin. Yung tipong sakin na kasi nangyayari kaya mas kilig diba? Hindi parin naman ako napapagod maghintay eh. Darating din ang prince charming ko alam ko =) May naimaine na nga akong scene sa utak ko. At tinawanan pa yun nina Chat at Karen. Pasensya naman epekto lang ng mga palabas hihi =P

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers