Kagabi pinalabas sa GMA7 ang huling concert ng Eheads. Yun yung concert na pinuntahan namin nung March 7 sa MOA. Magkakasama kami nina Vicky, Derrick, Frytz and si Shiela. Andun din sina Lyka and Nacho kaso sa 3K kasi sila nakapwesto. Naalala ko yung araw na yun. Buong hapon kami nasa MOA nun eh. Hindi naman sa excited kami kaya lang kasi free seating (actually standing room siya) kaya dapat maaga ka para makapwesto ka sa harapan ng area mo. Kaya yun ang ginawa ko. siguro mga alas dos pasado andun na ako. Doon na rin ako nag-lunch na sakto nakita ako ni Vicky kaya sabay na kami kumain. Ang kulet nga ite-text ko palang siya kung nasaan ako nakita ko na siyang paparating.
Sumunod samin sa Greenwich sina Nacho and Lyka. Pero kumain na sila kaya dessert na lang. 8pm pa yung concert kaya sobrang aga pa nag-decide na lang kami maglakad-lakad, tumambay sa IMAX (muntik na nga kami manood ng Fly Me to the Moon eh kung hindi lang alanganin yung oras), at siyempre mag-Timezone. Pagkatapos nun dumating na rin si Derrick.
Alas singko nagpunta na kami ng venue para pumila. Doon na rin namin hinintay si Frytz. Grabe ang tagal ng oras nun. Hehe alam mo na kapag may hinihintay ka lalong bumabagal ang oras. Buti nalang may sun ako so tinawagan ko yung ibang friends ko para makipag-chikahan lang muna habang naghihintay mag-8pm.
Nasa pinakaharap kami ng boundary ng 3k at P1300. Kaso yung malaking monitor nakaharang sa gitna so di rin namin kita ng buo yung stage.Pero basta nung nagstart na iba talaga. Parang ang saya ng feeling na nandun ka at nanonood kahit di mo naman talaga sila nakikita ng malapitan. Basta naririnig mo kinakanta nila yung mga song na alam mo na dating-dati pa solved ka na.
Hindi ko na kabisado kung anu-ano yung mga kinanta nila nung concert. Pero dahil nga nanood ako kagabi sa TV ito yung mga nalista ko:
- Magasin
- Walang Nagbago
- Maling Akala
- Maskara
- Wag Mo Nang Itanong
- Slomo
- Alkohol
- Insomya
- Torpedo
- Julie Tearjerky
- Tikman
- Kailan
- Overdrive
- Superproxy (Inalay para kay Francis M.)
- Minsan (Fave ni Derrick. Hindi kasi ako maalam sa lyrics pero maganda nga itong song na to. Bagay na bagay sa banda pati.)
- Alapaap
- Kaleidoscope
- Huling El Bimbo (Ang aming favorite! hehehe..)
Kulang yung pinalabas kagabi. Unang naalala kong wala yung Spolarium. Gusto ko kasi yung song na yun eh. yung Poorman's Grave at Waiting for the Bus daw yung dalawa pang kulang sabi ni Frytz.
Yung tatlong pahabol na kanta:
- Ligaya
- Sembreak
- Toyang
Mga naalala ko pa dun sa concert ay yung gitara ni Marcus na cute na cute. Hello Kitty!! Hahaha! Panalo talaga yun at ang kanyang renditio ng Huwag Mo Nang Itanong. Tamang kulet kasi yung lyrics nya =P
Isa pa yung 'I Love You too Pare' na banat ni Ely. May sumigaw kasi tapos nagreact siya habang kumakanta. Basta ang kulet nilang lahat. Sayang talaga last na yun. Pero sabi nga nila nakikita parin naman sila at naririnig na tumutugtog. Hindi nga lang magkakasama bilang Eheads. Okay na rin siguro. Marami na rin naman silang napatunayan bilang isang grupo. At marami parin ang patuloy na makikinig ng mga kanta nila. Tulad ko =)
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment