Nagkita-kita kami nina Vicky at Brij kahapoon sa SM Mega. Kailangan ko kasi balikan yunng tickets ng David Cook-Archuleta sa National kaya kahapon palang bumalik na ako ng Manila. Thursday or Friday ata nagkayayaan na mag-mall ng Sabado para naman may gawin. Mga bored mga tao eh hehe.
Kumain kami sa Max's. Chika mode lang. Grabe nagulat nga ako na one month na pala naming hindi nakikita si Vicky. Parang lagi pa rin kasi nakakausap sa YM at sa text. Ang bilis nakaka-one month na siya sa bago niyang company. Hay eh tingnan mo nga at April na. Second quarter na agad ng 2009. Sadyang napakabilis ng panahon.
Pagkatapos kumain nag-Timezone muna kami. Napagkasunduan kasing manood ng Race to Witch Mountain ng 720pm. Since marami pa kaming oras ayun nagbabad muna sa aking paboritong tambayan. Hay nakakaloka. Hindi ko na-beat ang record ko sa basketball. Gusto ko umabot ng 500 one time. Wish ko lang! =P
Maaga kami pumasok sa sinehan para makanood ng mga trailers. Ang dami na namang movies na aabangan. Ang gastos pero masaya kasi manood. Nakakaadik din hehe.
Kumusta ang movie? Sakin okay lang naman. Si Vicky tanong nyo kung kumusta yung movie =) (Vicky ang punchline hehe)
After ng movie uwian na rin kami. Takeout lang ng McDo. Ayun napabili pa tuloy ako ng spidey toy haha! Ang late ko na nga nakatulog.Hindi na nga ako sanay na maaga natutulog at ayun halos 4am na rin ata ng napilit ko katawan kong matulog. Ewan ko ba nagiging balisa ako pag madaling araw din eh. Hay nako ewan ko ba. may epekto parin ata talaga yung nangyaring panaginip eh. Sana mawala na yun sa utak ko para okay na ulit =)
PS: Vicky, Brij, may nakalimutan pala tayo gawin. Wala tayong pics kahapon hehe. Dibale next lakad na lang :D
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
2 comments:
corny un movie!! hehehe..
sama ulit ako nood ng movie nxt time.. hehehe.. ako nafeel ko na month na! daya2! hehehe.. hirap magmove on! :P
hahaha! yown. ang punchline hehehe :D
sure sige next time inform ka agad namin ni brij :D
Post a Comment