Monday, April 20, 2009

Ang araw na walang trabaho.

Share it Please
Hindi dahil sa ayaw ko mag-trabaho o dahil walang ginagawa. Ang dahilan: walang Term 5. At yun na nga, hindi naman ma-access ang mga bagay-bagay para lang makapagtrabaho kami. Grabe napabasa tuloy ako ng mga kung anu-ano ulit (cafe erato, creative corner at one manga). Dumating rin si chat sa office. Kaya ayun kasama namin siya mag-break. Tapos nung pabalik na ng orient napagkasunduang magpunta ng ICITE. Kaya dun na kami sa Libis naghapunan. Ang saya nga eh! Nakakamiss yung ICITE. yung huling dalaw ko kasi sa cyber one ko pa sila pinuntahan. Eh ngayon natapos na yung renovation sa ICITE kaya dun na ulit sila. Sayang nga gabi na hindi na kami nakapag-Quantum. Hindi bale baka sa Wednesday. Hindi palang nga sigurado hehe.

Andito ako ngayon sa condo ni Mae. Home Alone ulit. Manood lang siguro ako ng isang episode ng Bleach tapos tulog na ako. Maaga pa dapat bukas dahil walang nangyari sa aking araw kanina sa trabaho. Sana bukas makabawi naman :)

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers