Ikalawang araw ng pahinga ko ngayon. Nasaan ako maghapon? Nasa Megamall. Hehe. sabi ko nga sa mga kasama ko parang pumasok lang din ako dahil dun kami nag-lunch (3pm na lunch itu). Kasama ko pala si Mia at si Edgar, at si Joel. Alam nyo kung ano lang talaga plano namin? Mag-timezone. Pero grabe ang tagal ata namin nag-stay dun. Mga kulang-kulang apat na oras. Ang kulet nga namin eh. At dahil gustung-gusto ni Mia kumanta (huwag na kasi ideny =P ) nagbabad kami dun sa ktv rooms sa Timezone. Naka-apat na libreng kanta rin kami kasi lagi nalo-lowbat yung mic na ginagamit namin. Kaya tuwing magpapalit si Kuya ng battery ng mic namin eh pinapalagyan namin ng credit para makakanta ulit. Wehehe.. Kinarir talaga namin ung timezone. Yung huli naming nilaro yung racing. Medyo hindi talaga ako marunong dun eh. As in wala talagang talent. Kaya nung naglalaro kami nagtaka ako bakit naka 2nd place pa ako. Ang labo wahahaha.
Pagkalabas namin nakita namin yung sa The Speaks. Nung una ko kasing nakita ko yun akala ko parang iba yung magpeperform. Nadaanan ko lang kasi nung pagpunta palang ako kina Mia. Then ayun pagkita namin tapos na sila mag-perform. Sayang nga. Kahit sana isang song lang. Pero sa April 5 nasa MOA naman sila. Try ko nga magpunta. Nangangarir ako ng banda eh =)
At habang chikahan kami sa tapat ng stage ng The Speaks, napagdiskitahan namin si Blue Hyundai car. In fairness ang mura ng kanyang downpayment. Pero para syang Honda Jazz eh medyo masikip yung sa likod. Pero cute naman. At talagang ginawa namin syang background hehe. Ang adik namin =). Ayun lang ang happening for today.Bukas may lakad ulit. Grabe lagare na naman hahaha!
Pahabol: Naiinggit ako dun sa nakakakuha ng mataas na score dun sa isang type na basket. Hindi ko na maulit yung naka 300 ako eh. huhuhu. Hay nako. Kulang na ako sa practice hahaha!
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment