Nagpunta ko sa SM Dasma kasama mga kapatid ko at si Papa. Sweldo kasi kaya kailangan ko mag-withdraw. At bukod dun dapat na rin akong bumili ng bagong contact lens dahil nagkaroon ng tupi yung ginagamit ko. Natuyuan ng solution kagabi kaya ayun. Sabagay dalawang linggo na lang din naman at kailangan na rin yung itapon. Coffee ulit yung binili. Ang cute kasi ng color. Parang nagkaka-effect ng green pag natatamaan ng araw =)
Siyempre since kasama mga kapatid ko automatic diretso na sa Quantum. Ang masasabi ko lang, hindi kinaya ng powers ko mag-Dance Maniac doon! Ibang klase yung mga naglalaro/nagsasayaw. Parang gusto na mag-breakdance. May ikot effect pa yung talagang galaw dancer na. Hindi ko kinaya. Kaya ayun sinubukan nalang namin ng kapatid ko yung Dance Revolution Solo. Nahirapan din kami wehehe. Pano may extra na dalawang arrow. So bale anim yung inaapakan mo. Nakakalito pag sabay-sabay at kapag magkakasunod. Nawiwindang utak ko hehe. So naging role ko dun halos ay maging photographer na lamang. Nagvideoke rin pala kami. Request ng bunso (Angel). Ayun bigla napakanta kaming apat haha! Ang hirap nga kasi syempre sa mga ganun hindi naman updated yung mga kanta. Eh yung mga batang yun ang alam lang kantahin eh yung mga theme songs ng mga teleserye at yung mga bagong kanta sa radyo. Dapat next time talaga makapag-videoke kami sa totoong KTV. Para masaya =)
Nag-ikut-ikot din kami. Maraming shops nga ang sale ngayon dun kaya muntik pa akong mapabili. Buti nalang nakapagpigil ako at isa pa wala rin akong size sa mga on sale na items thank God. Patay na naman ako kay Mama kapag nagkataon.
Naalala ko pala, nag-picture din mga kapatid ko kay Jollibee. Pasaway na Jollibee nga yun nagpapahabol. At nagpaiyak pa ng bata hahaha! May batang inagawan nya ng stuffed toy tapos nagtatakbo palayo. Hindi ko na nakitang binalik nya kasi umalis na kami. Nakita ko lang nag-iiyak yung batang inagawan nya. Naku baka magka-trauma sa Jollibee na mascot ang batang yun =P
Bago kami umuwi dumaan pa kami ng Mcdo Manggahan. Sa may paglabas lang yun ng village namin. Nag-end up, wrong move ginawa ko. Dapat pala sa mall nalang ako bumili kasi pagdating namin dun wala na raw available na Monsters vs.Aliens na toys. Nakakainis nga eh. Eh si B.O.B. palang meron ako huhuhu. Lima silang bida tapos walo lahat-lahat yung toys. Nakakainis ang bilis maubos. Sana pagdating ni kuya (younger bro ko) nakabili sya kahit si Susan at Link lang muna. Sa Thursday na ako ulit bibili. Sana naman makumpleto ko kahit silang lima lang.
Last day na ng pahinga ko bukas. Iniisip ko nga kung balik na ba ako ng Pasig para makapag-pampering day. Doon na kasi ako sanay na sanay eh. official mall kona kasi talaga ang Megamall. Second ang Robinson Galleria. Ewan ko ba. Sobrang ma-mall na akong tao. Dati hindi naman. Pero masaya naman. Although kailangan ingat dahil nakakawawa ang bulsa =P
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment