Sunday, March 29, 2009

Saturday = Gala Day

Share it Please
Maaga ako umuwi ng Friday. Kaso kinabukasan nabawi agad yung maagang uwi na yun eh. Unang lakad na pinuntahan ko yung movie namin nina Brij. Monsters vs. Aliens yung pinanood namin. Sa MOA kami nanood dahil sa IMAX kami, yung 3D version. Ang kulet nung movie! Hahaha! Fave ko si B.o.B. Super nakakatuwa yung kakulitan at ang kanyang pagiging "brainless". Lalo na yung kapag feeling nya sya yung affected sa isang situation. Ay bawal pala muna mag-spoiler. Sige panoorin nyo muna yung movie. Cute sya promise =)

Nung nasa MOA kami syempre hindi mawawala ang Timezone lalo at magkasama kami ni Brij. Kasama rin nga pala namin sina Mae, Karen Lin, Gentrie and Miss Kim. Galing sila lahat sa badminton eh. Hindi parin talaga ako nakakasama sa laro nila. Aside kasi sa fact na hindi ako marunong, lagi ko nakakalimutan yung rubber shoes ko. Kaya ayun.

Lakad-lakad lang kami after since maaga naman natapos yung movie. Nagkape pa nga tapos si Mae nag-treat ng Krispy Kreme yey! Thanks pala ulit Mayi =) After nun sumabay na kami kina Miss hanggang sa aming mga destinasyon. Salamat din po sa pagsabay Miss Kim and Gentrie =)
Naku yung buong time na magkakasama kami, parang wala talaga kaming hilig magpa-picture haha! Ang adik namin maya't maya hehehe. Pero ang saya! May picture pa kami dun sa dalawang mascot ng science discovery. Si Mr. Einstein Look-alike at si Sidekick =)

Okay so next na lakad ko yung Secondhand Serenade. Sa Greenbelt 3 yung event. Ang dami ngang tao. Maaga yung kapatid ko nandun so hinanap ko nalang sya. Okay naman yung performance nya. By the way isa lang pala sya. Akala ko banda talaga sila eh. Medyo hawig nga ni John si Alejandro ng Boyce Avenue eh. tapos yung buhok nya pang-dragonball the movie. Hangkulet diba. Ang weird nga lang na habang nagpe-perform sya eh inom sya ng inom ng beer. Hindi ko nga alam kung nakailang bote sya eh. Hindi ko naman kasi masyadong nakikita yung mga binaba nyang bote. Hehe.. Kinanta nya yung Fall For You as finale. Naku lagot talaga sya sakin kapag hindi nya yun kinanta =) maganda rin yung Maybe at yung Your Call.

Para sa aking huling stop, humabol ako sa game ng Blue at Green Team sa Viejo Gym. Naku nakakatakot nga papunta dun kasi diba yung Earth Hour ang dilim ng paligid. Buti nalang since Rockwell area na yun lagi may mga guard bawat kanto so kahit pano medyo safe naman. Nakarating naman ako ng maayos sa venue kaso ayun 3minutes nalang napanood ko. Nanalo sina Kiko, ang green team. Kaso since si Abie talaga nakakausap ko madalas sa blue ako kampi. After nun kumain kami sa may malapit sa Ultra. Yung Aysee. Then nag-Nipa Hut. ang Tindi namin ano? madaling araw na ako nakauwi niyan pero masaya kasi nakakwentuhan ko sila ng matagal. Grabe ang dami nilang alam sa basketball. Iba kasi talaga kapag marunong ka maglaro. Alam na alam mo pasikut-sikot nung sport. Kailangan kaya ako matututo? Hanggang arcade lang kasi ako sa basketball eh. At konting shooting sa totoo. Kaso yung shooting yun na laru-laro lang ha? Yung walang bantay hehe.

Nakakapagod yung araw na yun. Buti maaga parin ako nagising today dahil schedule ng pag-uwi namin dito sa Cavite. Hanggang April 1 pa ako dito. Haayy ang sarap sa bahay lang =)

***

Happy Birthday pala po kay Rucela( march 29) at belated happy birthday kina Coleen(March 24) and Faye (March 27). Sana natanggap nyo ang pagbati ko sa text. God bless sa inyo =)

2 comments:

Cza said...

ngayon ko na lang nabasa ulit blog mo sis. Halu halu!!! :) Amishu!

sally said...

hi sis! hehe ngayon-ngayon lang ulit ako nag-update eh. parang mas masaya na dito nalang ulit. ingat parati! :D

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers