Death Anniversary ng panganay kong kapatid. Yep, Hindi naman talaga ako ang original na panganay. May nangyari lang kaya naging instant panganay ako.
Windsor V. Ramos Jr. ang buo nyang pangalan. 23 years na syang wala. Sobrang tagal na no? 27 years old na siya dapat ngayon eh. Dalawang taon kasi ang tanda niya sa akin. Wala na akong natatandaan sa kanya. Yung mga litrato na lang niya yung nagbigay ng idea sakin kung ano ang hitsura nya. Cute yung kapatid ko na yun! At lahat din ng nakakakilala sa kanya yun ang sinasabi. Hahaha! Ang saya siguro kung may kapatid kang Heartthrob diba?
Nangyari yung aksidente isang taon palang ako. OO, isang aksidente ang kumuha sa kanya samin. Na-hit and run sya habang naglalaro sa labas ng bahay namin. Napakabata pa niya. Iniisip ko nga kung buhay pa yung driver na nakabangga sa kanya eh. Ang sama ko. Nung bata pa nga ako naisip kong mag-abogado para lang ipa-hunting sya at ng makulong ng todo. Pero dati lang yun. Hindi ata talaga yun ang linyang para sakin eh.
Noon naiisip ko na ano kaya feeling kapag may kuya. At ano kaya naging buhay ko kung may mas matanda sakin. Pero masaya naman ako ngayon kaya okay rin naman. Ginagawa ko naman ang makakaya ko para maging maayos kami. At alam ko na masaya siya para samin nakikita niya ngayon =)
Tuesday, March 31, 2009
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment