Ngayon ang umpisa ng limang araw kong pahinga. Kahapon kasi pinayagan na akong magbakasyon para hindi naman masayang yung natirang leaves ko nung 2008. April 2 na ang balik ko sa opisina. Pero sa Linggo pa talaga ako makakauwi sa Cavite. May lakad pa kasi ako bukas at sa Sabado.
So anong nangyari sa unang araw ng pahinga ko? Nagpunta ako ng Marikina nung lunch. May inasikaso. At dahil andun na rin naman ako dumaan ako ng munisipyo para mangumusta kina Burog. Dapat nga mag-lunch kami kaso ayun may mga kailangang puntahan at biglaan rin kasi yung pagyaya ko kaya ayun.
Pagkagaling ko ng Marikina, dumeretso ako ng Robinson Galleria. Galing na ako dun kagabi kaso hindi ako nakabili ng pantalon. So bumalik ako kanina. Wrong move nga ata kasi ang dami kong nabili. Argghh. Bakit ba kasi sale =( Ayun swipe-swipe na naman ang inabot ni Credit Card. Pero kailangan ko talaga kasi ng pantalon. Ang kaso lang hindi lang pantalon ang nabili ko. Psshh. Hay nako. Pero gaya ng sabi ko sa title, hindi ako shopaholic. Hindi pa, pero gets na gets ko yung line nya bakit sya naadik mag-shopping. "When I shop the world gets better. And then it's not. So I have to do it again." Kaloka. Ang saya kasi kapag nabili mo yung isang damit/gamit. Tapos kapag nabili mo na minsan ang tagal pa bago o masuot. Kasi yung feeling lang na nabili mo na yun yung masaya. Weird no. Haha! Pero malakad din ako kaya kailangan. O mas dahil gusto ko lang para sa picture-picture? Hehehe. Hay. Sana naman yung next shopping ko ng damit sa May na. Kaya pag-uwian dapat diretso na bahay wala nang window shopping. Kalokohan ang window shopping. Nagiging actual shopping eh. Hehe.
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment