Monday, March 30, 2009

Gusto ko mag-out of town!

Share it Please
Ikatlong araw ng leave ko ngayon. Nandito lang ako sa bahay. Nag-ayos ng mga files ko dito sa laptop. Hay gusto ko na ng bagong PC. Kaloka na ito.

Anyway, binabasa ko kasi yung Candy magazine na binili ko nung Sabado. At nakita ko yung isang resort sa may Quezon. Yung Pueblo por La Playa. Ang ganda nung lugar! Ang cute pa ng color ng mga rooms ng villa na pwedeng rentahan. Maganda rin yung pinaka-pool nila. Magkano kaya ang budget para maka-pagstay ng overnight dito? May plano kasi kami nina Brij magpunta ng Quezon para sa Pahiyas. Kapag malapit lang yung area nun sana puntahan namin. Tutal, weekday namn yung Pahiyas eh sabi ni girlet(si Brij pala to =p ). Sabi ni Vicky gusto rin nya sumama if ever. Sana matuloy kami. Exciting!

Isa pa na magandang puntahan na nakita ko ay yung Bolinao, Pangasinan. Simple lang yung lugar. Mas nature trip ito dahil yung mga liguan ay talagang sa mabundok at ma-cave na parte ng probinsya. May isa ngang freshwater na liguan sa loob ng kweba eh. P20 lang yung entrance. Mukhang masarap mag-picture dun =) Yung naalala kong pinuntahan namin sa Pangasinan yung Manaoag eh. Yun yung Holy Week ng 2007, courtesy of Caroline yung lakad na yun dahil week ng birthday nya.

Basta sana makapaggala pa ko before matapos ang summer. Ang dami pang lugar na gusto ko mapuntahan eh =) At dapat makapaghanda rin ng mga outfit para dun hehehe.. Pero sa ngayon yung family outing muna sa Saturday ang nakalinya. Umuwi kasi si Mama Forcy eh galing States. kaya yun, Outing-outing na ulit!

***
Mga pagbati:
- Happy Birthday kina Aila and Priscilla!!
- Si JC Tiuseco (1st Sole Survivor, Survivor Phil) pala March din. Nung Sunday daw yung celebration ng birthday nya. Dun sa SOP. Sayang nga hindi ko napanood. Belated Happy Birthday nalang JC!!

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers