Sunday, March 22, 2009

Biglaang Nood at Pangangarap=)

Share it Please
Ilang lingo na rin akong sunud-sunod na nagkalakad ng Biyernes kaya nung nagdaan eh parang naghahanap ang katawan ko ng lakad. Buti nalang andiyan si Girlet at ayun nayaya ko syang manood biglaan ng Moonacres. Salamat girlet at nagpahatak ka =P

So anong masasabi ko sa movie? Ito yung movie na akala ko talaga sobrang bongga kasi yung dating nya sa mga ads. Pero simple lang yung story. Pangbata talaga sya. Okay na rin at least nasagot pagkacurious ko sa story hehehe.

Kagabi napanood ko ulit yung Pretty Woman. Ayan nasa "in love" mode na naman ako. Ang gwapo talaga ni Richard Gere sa movie na yun ewan ko ba. Aminado ako may naalala akong tao sa character nya. Hindi ko nga gets kasi hindi naman sila magkamukha. Siguro yung aura. Yung mata pag-iisipan ko baka dahil din dun hehe.. Nakakatawa yung song pa It Must Have Been Love. Nakakatawa hehe. Pero gaya nga ng sabi sa story, sobrang fairytale. Hindi nangyayari sa totoong buhay. Pero kahit na. Masaya parin kapag napapanood =)

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers