Ang tagal na ulit di nakapagsulat dito. Ano ba ang mga nangyari lately?hmmm..
March 13, 2009
Nasa libis ako ng araw na ito. Nagperform si Regine sa may Eastwood Park para i-promote yung album nya, iyung Low Key. Okay yung mga songs. December palang may Cd na ako kaya nga nakakainis na nagbebenta sila sa venue para magka-VIP seats ka. Hay nako excited kasi ako masyado. Pero yun. Kahit na sa malayo lang ako nanood, na-enjoy ko dahil ang galing nya! Gusto ko yung unang dalawang kanta sa album nya eh. Yung Tell Me That You Love Me at yung And I Love You So. Kinanta rin nya yung theme song ng Totoy Bato yung ako'y sayo. Wala lang aliw lang na tagalog yun ng I'm Yours (Song ni Jason Mraz,labo ko yung title lang naman hehehe :D ). Pati yung Ako'y Iyung-Iyo. Cute din yun eh original ni Gary V. Last na kinanta nya yung Medley na may I will Survive. Di ko na maalala yung ibang songs dun sa medley e.
Andun din si Vicky. Nakahabol sya. Pareho pa kami na napansing payat si regine sa personal. kasi sa TV parang medyo mataba sya tingnan. At sobrang puti nya. Lahat nga ng kuha ko sa kanya parang walang nangyari eh. dapat talaga may digicam akong dala.
After nung show sumunod ako kina Reggie sa Dencios. Doon na rin ako nag-dinner. Kwentuhan/ tambay mode lang hanggang 12am. After nun dumaan ako sa office (Cyber One) para mag-HI kina derrick. Tapos ayun nag-end up nag Rufos kami hahaha! Ang saya din talaga kasama nung dalawang yun. O Harry Potter 6 ha? =P
March 14, 2009
Umuwi ako nito sa amin. Kailangan pa kasi mag-grocery at birthday celebration ng bro ko the next day. Syempre ang waltermart samin damay-damay na ang Fun house. Kaya ayun kinarir namin ng kapatid kong 9yrs old yung dance revo. Kailangan daw nya rin kasing pumayat. hehehe..
March 15, 2009
Ang daming tao sa bahay. Andun ang mga kapatid ng mama ko at ang pami-pamilya nila. Ganito lang naman kami mag-celebrate yung kami-kami lang. At hindi rin naman kasi kalakihan ang bahay namin hehe. Isa pa ang layo rin kasi talaga. Pero ayun masaya naman kahit nakakapagod. Minsan na lang di kasi namin sila makita. Nakakatakot pa nga nung una dahil nadisgrasya sa bike yung pinsan ko. Kaya ayun natahi yung sugat dahil may kalaliman. Mabuti at maayos na rin sya nung hapon. Grabe 21 na ang kapatid ko! Tumatanda na kami :(
March 17, 2009
Kasama ko si Karen nag-window shopping kami. Ako lang pala dahil may nabili si Karen hahaha! Tapos kinuha ko na rin yung free shirt ko sa bench. Yung white na lang yung meron kaya kinuha ko na rin. Free size nga eh kaya good luck. Gusto ko sana itry lang masuot one time =) Purple naman yung print so pwede yung belt kong isa =)
Hinintay din namin si Ylla dumating dahil dadalhin nya yung chocolates ni Karen. So habang naghihitay nag-Timezone muna kami. Grabe nakakaadik talaga. Buti nga paminsan na lang hindi gaya dati. NUng dumating si Ylla chikahan lang ng konti then umuwi na rin kami.
March 18, 2009
Puyat ako nito dahil may di kanais-nais na nangyari (ang bangungot bow!). Kaya ayun ang aga ko pumasok. Tapos nagpunta ako sa ICITE para kunin yung ibang gamit ko sa locker. Kailangan makuha ko narin yung iba pang naiwan dun. At dahil nun ko lagn ulit nakita si Chat nagpasama ako sa kanya sa ICITE. Nag-quantum muna kami para mag-dance-dance. Si Chat ang cute magsayaw hehe =) Tapos pagbalik sa Cyber One nanood na kami ng Twilight sa pc nya. Kaya ayun the next day may hangover pa ako ng kilig :D
Haba na ng update. Gusto ko nga sana mag-blog na ng mas madalas kaso ang hirap din kasi mag-internet sa bahay. Globe 3G lang ang gamit ko eh. Kung sa bahay sana kasi talaga magpapakabit na ako ng net. Kaso hindi kaya. Hay.
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
2 comments:
hi Sally! Nice nag uupdate ka na ulit ng Blog! :)
Add kita.
hi bev!yup dito na ako ulit mag-blog haha sige palink nalng thanks and ingat!
Post a Comment