Monday, April 3, 2006

movies..movies..

Share it Please
Yesterday was family day. At dahil ako lang naman ang mahilig mag-aaalis ako ang nag-initiate ng lakad namin (Lagi naman ata haha!). We went to South Cemetery first to visit my brother and my Nanay Yolly. Grabe ngayon ko lang narealize 20 years na palang wala si kuya. Ang tagal na rin. March 31 ang Death Anniversary niya. Si Nanay naman birthday sa April 14. Saglit lang kami kasi biglang umulan. Punta na kami SM manila after.I treated them to a movie: Ice Age 2. Gusto kasi talaga manood ng 2-year old sister ko, si Angel kaya sabi ko nood kami that Sunday. Checked the movie schedule sa newspaper lang, luckily i saw this promo in SM malls.They are issuing VIP pass in Monte Vista for people who would buy 2 tickets of Ice Age 2.So I already have my VIP card, which is valid until 2007. Wish ko lang magamit, nagagawi lang ako ng tagaytay dahil sa college friends eh =)About the movie, well it was really fun to watch!!Syempre andun yung fave ko, si Diego. Nakakatuwa kasi sya eh haha!Ewan ko ba,tatlo na silang character na gusto ko na same family: si Simba, Aslan at si Diego. Cute kasi nila eh. Sana makabili rin ako ng stuff toy ng kahit sino dun sa tatlo =)sobrang nakakatuwa rin yung mga bagong characters. Laugh trip lalo yung mga posum hahaha!Cute nila sobra =P lalo yung mga gestures nila.Maghahanap pa ako ng mga pics and wallpapers. Sana may nadadownload din sa globe para masaya =)Pag-uwi nood naman ng TV. We watched 'The Bodyguard' sa QTv. Naalala ko na ito yung movie na first time ko nagustuhan si Kevin Costner. Ganda kasi ng character niya dun eh. Ganda talaga nun kahit ata ilang beses hindi ako magsasawang panoorin yun. Hay pag naiisip ko ngang ginaya yung story nina vina and robin..nakakainis.Oh well.ganun talaga eh.I ordered 'If Only' Album from Mau. Sana makuha this week. Excited na ako. Ganda ng mga songs sa movie na yun eh =) Chaka okay din yung story. Kakakilig.=PPahabol:last saturday pala we had a swimming party. Saya grabe!Nakakamiss kasama ang mga tao. To think na dati-rati lagi lang kami nagkikita-kita sa thesis room. Sana maulit natin yun. Sa susunod magpe-prepare na rin ako ng food at hindi kain lang ng kain at taga-tikim.Hahaha!Bumawi na lang ata ako sa pagligpit ng kalat habang gumagawa si mommy edz ng shake =) To mommy edaine: namiss ko ang kuwentuhan natin. I'm really happy na pareho parin tayo ng dati kahit ang dalang natin makapag-usap. Same with the people na nandun =) Thank you at walang nababago kahit pa minsan-minsan na lang nagkikita. Thank you thank you sa lahat po =)

All Time Popular Posts

GFC Followers