Wednesday, November 9, 2005

tinimplang kape

Share it Please
Nakakatawa kaninang umaga, may disposable cup ako ng nescafe for coffee, pero yung kape ako nagtimpla!ang aga-aga natatawa talaga ako. This day nagkasabay-sabay ata na nawalan ng stock. Kung kelan ako may ubo at sipon, wala na ring tissue. Buti nagdala rin ako just in case.
First time ko rin mag-lunch ng late dito. 1:15pm na ata ako naglunch. Kasi mahirap yung integration dahil separate file systems kami ng team mate ko kaya magulo, buti na lang mabilis sya gumawa (idol talaga yun!) kaya na-upload naman ng maayos sa server yung web application. Sya nga 2pm na kumain. Nakakaguilty nauna pa rin ako eh mas maaga na nga sya pumasok, (sowee team mate T_T ).

okay na po ako, maraming salamat sa inyong mga sinabi =) Ewan ko ba parang ang dali na parang walang nangyari pero alam kong mauulit yun. Hay hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nangyari yun.

Last saturday nagpunta kami ng R&B bar sa may metrowalk. Ang saya dun! Well masaya kasi I'm with friends (Chen, Cza, Cindz and Fran), at dahil sa isang cute vocalist! Hahaha! Although hindi ako pumapayag na kamukha niya si Harry POtter cute naman sya. Galing pa sumayaw at kumanta. Astig talaga! Sayang nga hindi ko man lang nalapitan habang nagpeperform sila. Nakakahiya kasi kahit marami ng nakatayo. Babalik na lang siguro ako dun hehe..I know his name, Leslie, pero hindi ko na nalaman yung name ng band nila. Oh well.. masusukat na naman ang aking pagiging "researcher" nito hahaha!

Well, that night didn't end just like that. May exciting na nangyari. Hehe..Ibang klase talaga yung experience na yun =)

Belated Happy birthday ulit kina Bev and Chen! =)

lapit na Harry Potter. Naiisip ko na tuloy siya ng mas madalas ngayon at napapanaginipan sa gabi ..Haaayy..Excited na talaga ako..

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers