Wednesday, October 12, 2005

spending this weekend at home

Share it Please
grabe!taong-bahay ako for two days. Nagtataka nga mama ko bakit wala raw akong lakad. Hindi na rin sila sanay na nasa bahay ako ng sabado. I usually have practice in UA&P in the morning (choir career ito hehe) and then lakad in the afternoon hanggang gabi. But I decided to stay since wala naman talaga akong gagawin. And you know what i did? naglaba ako! Hahaha!Yes, at grabe kinaya ng powers ko kahit masakit sa likod yung banlaw. Felt good afterwards since feeling nakatulong sa gawaing bahay. Hope makatulong na talaga ako every weekend. Masama gala ng gala.

Was also able to start reading Harry Potter 6. But unfortunately sa pagiging antukin ko, chapter 11 pa lang ako. waaah!sana matapos ko na. Naeexcite na ako eh.:) I also haven't seen the new trailer. Sana lang magka-PC na akong sarili dito. 1 month na lang nga eh tapos ala pa pc. :(

Attended a seminar last friday. I'm back to being active in organization that aims to strengthen our relationship with God. Sana nga makasali din ako sa church choir namin. Wala lang just want to go back as being an active member, na-inspire kasi ako sa Purpose Driven Life na ngayon ko lang ulit nabalikan. :)

Gusto ko manood ng corpse bride!Sama ko siguro sister ko. Gusto rin daw kasi nya eh. Napanood namin yung video sa MTV. Mukhang maganda. buti pa mga cyberj peeps nakanood na :(

hindi ko pa ata ito napost pero congrats ulit sa lahat ng Graduates and goodluck po sa lahat!!! :D

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers