Nakita ko na si Nanay kagabi (lola). Nung una talaga naluluha na ako pero pagkapasok ko yung isa kong kuya, sinabi ba naman "O bawal umiyak dito ha?". Buti nandun siya, napangiti ako dahil napaka-kaswal nang pagkasabi niya. At least hindi naging pagmumukmok ang nangyari sa akin habang naglalamay. Nakausap rin namin si Tatay (lolo). Nagkwento siya ng mga pinagsamahan nilang mag-asawa. Akala ko noon nagkukuwento ng magagandang bagay ang mga taong namatayan para makabawi sa namatay, para bang dala lang ng guilt. Pero dun ko nalaman na ginagawa nila yun para hindi sila malungkot, at para puro masasayang bagay ang maalala nila sa taong umalis sa piling nila. Dahil doon, hindi naging malungkot ang paligid. Nag-uusap lahat ng tao ng maayos. Wala akong nakitang luhang umagos. Mas magaan na rin ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa lahat ng nakikidalamhati at sa mga salitang nakakapagpalakas ng loob. Hindi ako sanay nang malungkot. Gusto kong maging normal ang ipakitang emosyon ngunit nakakakonsensya na maging lubos na masaya kasama ng mga kaibigan ko. Pero naisip ko hindi naman magiging masaya si Nay ng ganun ako. Ayos lang naman sigurong maging masaya lalo at mga taong nagmamahal sayo ang kasama mo. =)
Salamat po ulit sa lahat.. at lagi kayong mag-iingat =)
1 comment:
*hugs*
mahirap talaga pakawalan ang mga mahal sa buhay. maswerte ka pa nga at nakapiling mo pa sya bago sya lumisan, kahit na sa maliit na paraan, alam nyang nandun ka lang. ang labo ko ba? sensya na... buti un, masasayang mga bagay ang naaalala. one thing i regret was that di man lang ako nakapagpa-kwento sa lolo ko ng pumanaw sya...paalis pa ko ng bahay nun, tinawagan lang ako ni papa. but we get over it..and then we keep on remembering how happy we were in our memories. close kayo, kaya sigurado ako na masaya na rin ang lola mo. at tiyak, binabantayan ka rin nya from above. *hug*
Post a Comment