ang bilis ng araw. One week na ako dito sa HP. And unfortunately, wala pa rin akong ginagawa. NakikiPC sa umaga kay Shils, and since wala ngayon si jason, PC naman niya ang gamit ko.
The office is really nice. Wala talaga akong masabi. Kaso talagang lahat ata dito work work work. Can't imagine na kaya kong tumagal ng hindi ako nag-iingay. Hehehe..
I miss cyberj and the people there. Miss ko na mga co-trainees ko and ang makukulit naming buddies.
Concert ni Michael Buble ngayong gabi. I really love to watch pero di ko na kayang gumastos. May outing pa kami sa Oct. 22. Mas ayaw kong mamiss yun eh. Sana na lang bumalik ulit siya dito. *sob*
Malamang na alam niyo na rin yung about sa team natin. Yes, forfeited ang game natin last year and this year, dahil sa isang ineligible player. Madaming kung anu-anong haka-haka at hula sa nangyari. Lagi raw tayong gumagawa ng issue sa UAAP. Oh well, kahit anong sabihin nila, I will always support the team. Iba ang Animo eh. =P And nga pala, Atkins and Urra were invited to tryouts. Sana makapasok sila. Mas lalo akong manonood hehehe..(diba ba cheering mates??)
So ito ang mga nangyayari sakin these past few days..
Oct 5
1st day of an entire month of stay in HP. Lunch agad with HP peeps. sa PBCOM Tower. Sina Cindz, Kurly, Del, Fran, Myles, Mark, Charms, Becca, Alvin, and Eliza. Nahiya nga ako sa mga kaopisina ko. First day na first day hindi sila ang kasabay ko. Kakamiss kasi syempre ang mga CCS peeps =) It was nice seeing you guys again!
Oct 6
Lunch out with HP peeps again. Ngayon kasama na rin namin sina Manuel, Eisen and PJ. Sa Dencio's Paseo Center naman kami.
After that, hindi talaga ako mapakali. Syempre Game 2 ng Finals eh. Nahihiya naman ako mag-undertime. Buti na lang nakahabol ako ng 3rd quarter. Thanks to Krissie sa pagbaba niya sakin. Pasensya na sa abala ha? Masaya yung game, kahit na natalo tayo. Upper A kami eh. Nakalimutan ko na yung feeling ng ganung kalapit. Tagal na rin kasi lagi lang ako Upper B. It was really a nice game. Saludo pa rin ako sa Archers.
Kain lang kami sa Max after. Steven, Krissie, Alvin, Kat at ako.Syempre labasan ng sama ng loob dun sa game. And oo nga pala, thanks super to Krissie and Alvin sa pag-reserve ng seats. Pasensya na talaga ha? Super duper thank you =) Next year na ulit masusubok ang ating pagiging fanatic :D
Oct 7
Lunch out with Cyberj peeps (in HP). Went to GB1 to eat. Haha! Super layo talaga. Pero masaya kasi kulitan habang papunta at pabalik. Saya nila kasama. Ako ang pinakabata. Pero para lang kami lahat magkakaklase.
Nagkita rin kami ni Cha. Nawala sa isip kong dito nga pala sya nagwowork. At magkafloor kami. Nakakatuwa small world. Sana makita ko rin yung ibang HP peeps na classmate/batchmate ko (HS and college).
May inattend-an kaming seminar. Nakaka-inspire. Nabuhayan ako ulit maging active sa kahit anong religious organization. Sana makabalik ako sa church choir namin. Pero masaya naman sa UA&P though malayo samin. Iniisip ko na lang na parang may half-day akong pasok sa trabaho. Masarap talaga bumalik sa pagkanta =)
Oct 8
Hehe ito yung entry ko about sa paglalaba. Oh well hindi na masakit ang likod ko.=P
Oct 9
Arwind Santos was interviewed in S Files. Kala ko kung ano yung something na isisiwalat niya about the incident, pero yun na pala yung alam ng lahat. Well at least alam yung saloobin niya about sa nangyari. Mukha naman siyang mabait. Pero galing parin niya talagang player. Ibang klase.
Oct 10 - 11
Read PDL again. Nakakainspire. Gusto ko tuloy bumili nung journal nun. Parang ang sarap magsulat lang ng thoughts and mga reflection about it. Hindi ko pa ito marerealize kung busy ako sa work.
Yoda Programming Language, narinig niyo na ba? Nakita lang namin to sa isang blog ng isang programmer. Barbero lang pero ang cute nung syntax hehehe =)
All Time Popular Posts
-
Last week I bought a book from one of the financial bloggers I follow. Her name is Sha Nacino and she is one of the author of the book Think...
-
http://thebudgetfashionseeker.blogspot.com
-
I am using the new gadget to post this. A lot has happened the past months but i haven't written anything on this blog yet. Hopefully i...
-
This was my first time that I treated my family for an out of trip. And I'm really happy because it was also their first time to ride a ...
-
I followed Marcy's suggestion of avoiding coffee since it might be connected to the nightmare. I normally drink 2-3 mugs of coffee a day...
GFC Followers
Designed By Templateism | Seo Blogger Templates
No comments:
Post a Comment