Saturday, July 9, 2005

nakakapanibagong saturday

Share it Please
Nakakapanibago today. Why? Ngayon lang ang Sabado na napirmi ako sa bahay. Usually may pupuntahan ako tuwing Saturday. It's either may kailangang gawin sa school or may lakad lang with friends. But this time, ito ako nasa bahay. Nakakaantok. Pero later may gagawin akong important. Net break lang muna.

Since wala nga akong lakad, nood TV lang this morning. Ngayon ko lang ulit napanood yung mga cartoons na sinusubaybayan ko dati. Watched Fruits Basket. Nakakatuwa talaga yun. Naaliw ako sa character nung guy na masama kay Tori (main character). Pero halata namang gusto niya si Tori. Nakakaaliw yung mga pagbabago niya ng emotions. Haha! Hilig talaga sa mga bad boys. Hehehe..:) Wala lang nakakatuwa lang talaga kapag ganun sila, masama pero sweet at the same time. Parang sa Hanayori Dango (Meteor Garden). Yung character ni Jerry Yan ang fave ko dun eh. Oh well, sana mapanood ko yung Fruits Basket ng buo. (calling tasj.. :p )

Also watched Maynila. Wala lang naaliw lang may narealize lang ako. Ang hirap pala talaga kung friends kayo ng taong involved sa isang taong gusto mo. Ilang beses na bang nangyari to sakin dati. Ako pa naman lagi ako nagpapaubaya (naks!) hehe.. Kasi hindi rin naman ako ready sa mga ganyan eh. And ayaw ko ng may nasasagasaang tao. Kaya ayun. Lonely hearts club parin ang lola. hehe..

Naku!!ito ang gusto ko kayong koreanovela. Sweet 18!! Nakakatuwa talaga si Leah. Para lang siyang bata. Tapos ang asawa super mature. Aliw yung mga sweet moments nila, haha! Napapasaya talaga ako ng mga ganitong cute na love story. Parang yung Fullhouse. Nakakamiss nga eh. (Mae pahiram ako!!) Manonood na ako nito parati. Tapos hiramin ko din kay Mae yung CDs niya..:)

Hindi ako natuloy sa movie kagabi. Sayang nga hindi ako umabot. Manonood na lang ako mag-isa. Pero baka unahin ko muna yung batman. Hindi ko parin napapanood eh. Hayy...

Kahapon nga pala lunch kami sa Gale. Ngayon lang kami lumayo sa Orient Square. Thanks to Chet na lagi na naming nakakasama. Kulit din nun eh parang kami ang saya-saya kakwentuhan at kakulitan. Masaya talaga sa office. Lahat kami magkakaclose na. Sana nga ganun lang kami parati laging masaya kahit may mga naassign na trabaho. No regrets na talaga ito.:)

2 comments:

eventuallypretty said...

may fruits basket na sa local tv? di ko ata alam yun. :) ive been long curious about this series.

sally said...

patty!!yup meron sa ch.2 tuwing sat 1030am. :) cute ng story nun :D

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers