Tuesday, July 19, 2005

kapag wala si inay..

Share it Please
I was the one who prepared my baon for today. (Syempre minus the cooking papa ko nagluto eh hehehe). I remembered when my mother used to tell me that it would be difficult for me if she's not around. And indeed, she's right. HINDI KO NAHANAP YUNG BAUNAN KO! Buti na lang there are still other tupperware na pwede gamitin. Ayoko pa naman gumastos since napabili na naman ako kagabi. My mother kept on mocking me last night: "Hindi daw gagastos ha? Eh ano yang dala mo at may new bag ka pa!" Hindi na nga ako umiimik kasi guilty talaga ako. Hay naku. Ayoko nang dadaan ng mall. Bakit ba kasi pag pauwi yun yung daanan ko. Oh well, sa labas na lang siguro ako maglalakad. It was raining yesterday so sa loob ako dumaan. Very bad decision.

Anyway, corned beef lang naman ang ulam ko. Ang hirap lang yung ikaw pa yung mag-aayos ng baon knowing na kailangan mo pang maligo and all (haha tamad!). Mabagal pa naman ako kumilos. haayy..

May kaeng-engan pa kong ginawa kanina. Biruin mo ba namang maitapon ko yung contact lens ko sa planggana!Oh my! Naisip ko agad yung P950 na parang itinapon ko lang at kung anong sasabihin ng mama ko pag nagkataon. Thank God nahanap ko pa. Thank you talaga Lord.

Yun lang naman ang nangyari sa ngayon. Share ko lang itong song na narinig ko sa FX kanina:

Pangarap Ka Na Lang Ba
jamie rivera (reinhart)

talaga yatang wala ng pag-asa
upang ako'y ibigin pa
pano mangyayari gayong
ako'y di mo pansin
pano mo malalaman
sayo'y may pagtingin

lagi na lamang sa aking isipan
sana nama'y iyong maramdaman
masabi ko na sana
na minamahal kita
doon mo lang malalaman
pag-ibig ko'y hanggang

pangarap ka na lang ba
o magiging katotohanan pa
bakit may mahal ka ng iba
ngunit di bale na
kahit mahal mo sya
mahal naman kita

1 comment:

Rant Letters said...

aha~!!! nagkablog na rin ako :P si jewel nga pala ito :P pero main blog ko pa rin yung isa eh XD XD XD

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers