Thursday, May 12, 2005

student no more

Share it Please
yesterday was my first day in ortigas.i'm officially part of the work force.grabe!parang kahapon ko lang talaga nag-sink na iba na ang situation. nahihiya na nga ko magbayad sa jeep ng P5.00. haha!dinadahilan ko kasi dati na student ako.iba na ang lahat. too many responsibilities to handle. lalo na sa tulad kong panganay. pero masaya ko. at least i have this chance of helping my family.excited na nga akong paaralin yung kapatid kong 5 yrs. old. i have many plans for my family and syempre pati na rin sa sarili ko. and hopefully maging maayos rin ang lahat for us.

kwento naman sa mga nagdaang araw..

may 7: saturday
i was able to join the summer campers lakaran. gala-gala lang kami. at least nakasama ko yung mga nasa ibang team. isa lang kasi yung dumating sa team ko. kumain kami sa dulcinea then laro sa time zone. nakakamiss mag-time crisis. tapos yung dance maniac. ang saya-saya!sayang nga lang di ako nakasama mag-movie kasi may pupuntahan pa ko after.

we went to our batchmate's graduation party. she was our valedictorian in Masci. sobrang proud kami sa kanya. alam nyo bang sya ang no. 1 sa 10 summa cum laude ng UP Diliman?wala ka nang hahanapin sa kanya.sobrang bait and humble pa.:D so ayun, yung party was like our high school reunion. dumating yung mga classmates namin na matagal na naming di nakikita. nagvideoke kami (di ko po yun na-career, ang daming tao eh.tsk tsk..:p mga 3 songs lang hehe..) kwentuhan and update-update sa mga buhay. dati-rati ang kwentuhan about sa courses and buhay kolehiyo. ngayon ang tanungan kung saan na nagwowork. nakakapanibago nga eh.namiss ko sila. masaya ako at nagkita-kita kami. pero namimiss ko na rin ang la salle. wala bang magyayaya ng lakad jan? sama naman ako:D nakauwi kami ng mga 7am. grabe antok na antok na talaga ako nun.walang tulugan ang nangyari samin.ang sakit ng paa ko nun sobra.pero masaya naman sila kasama kaya ok lang. sana naman matuloy yung outing na inaayos nila kahit sa last week pa yun ng May.:)

may 9: monday
i was able to finish all the necessary documents for work. pwera ang passport. hay nagkakaprob pa kasi ako.wish ko lang matapos na to. thanks sa mga nagtext na peeps kahit di ko pa talaga start date ngayon. sina bev and company pa lang talaga.wed pa ko.:) nakaka-tats po kau.:D hope ok rin kau sa work.:)

may meteor garden ulit!wala lang nakakatuwa yung feeling na maaaddict ka na naman.haha!ang
cute-cute talaga ni jerry yan.ito na naman ako.:D

may 10: tuesday
bumalik ako uli sa DFA.ayaw parin ako tanggapin.2nd day ko na to sa kanila.dumadami ang
verification stamp ko.haha!baboy na yung paper ko.di bale i'll make sure huli na ung next na
punta ko dun.nakita ko rin at nakakwentuhan si albert.buti ka pa bert.tapos na yung sau.good luck sa job hunt ha?

may 11: wednesday
1st day.wala naman masyadong ginawa.orientation lang muna.ang aga ko nga eh.8:15 ako dumating. magaan ang pakiramdam ko eh. may kasama nga kaming nag-OJT dito. taga PLM. kaso di ko pa ganong nakakausap. masaya kasi kasama ko sina marcy, bev and vicky sy.kaming apat lang sa room.nakakatuwa.:) dito din yung dalawa kong friend, isang taga-lasalle and isang
taga-UP. and yung mga nameet ko pa sa alumni homecoming. ang saya.:D

about naman sa nabasa ko sa libre, yung about sa "friends lang tayo". bakit nga ba ganun?may
mga taong sobrang caring and all, pero wala naman.tapos magigising ka na lang isang araw, like mo na sila?nakakainis ano.sinabi pa sa article na may tendency daw kasi na magcreate ng sariling mundo. na nagkakaroon tayo ng illusion na lahat ng ginagawa nila ay may meaning. ang hirap din kasi ano.pero masaya ka naman na magkaibigan kayo.takot ka nga lang magfall dahil alam mong wala namang mangyayari. i mean impossible na magustuhan ka nya.hay sana wala na lang ganyang situation.

yung encantadia, lahat ng mga big time artista, isa-isang namamatay ano ba yun!and may katulad yun na story sa ch. 2 eh.cartoon version yung shadows of the elves.pareho halos pero ang bida ata dun yung character ni Alena.gusto ko yung damit ni amihan!hehe..

all about eve, itong koreanovela na to, lagi ko pinapanood pero lagi lang ako naiinis after. kasi naman yung erika pasaway masyado.nakakainis.tapos kagabi kung kelan magkikita na sina kenneth at Nicole saka pa nag-end.pasaway talaga!sino ba meron nun??

may 12: thursday
masaya ako today. wala lang:) pero dapat nga hindi eh.hay naku. anyway, naglunch kami with
some of the heads sa office. lunch lang kami congo grille.wala lang dami naaalala sa place na yun. nakakamiss na nga eh. grabe super busog ako. feel ko yung pinayat ko na 4 lbs. na-gain ko na ulit kanina.hay naku..dito pa rin kami sa office. kwento-kwento and basa lang. may exam daw ata kami tom eh.ang bilis exam agad..

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers