Friday, May 6, 2005

Share it Please
hay..it's been a week since my last update.well, after having so much fun last friday, that weekend was the total opposite. nagkasakit ako!!hay..buti na lang i was able to get up and still meet my friend though i'm not completely well.gusto ko na nga inumin lahat ng gamot coz i was worrying my medical exam this week.buti nga tapos na.ok sige ill tell stories per day:)

may 1: sunday
wala lang, ang naalala ko sa araw na to yung show na love to love. nancy was heartbroken dahil sa bf nya. tapos nagdecide ba naman syang maghanap na lang ng girl!!san ka pa?kakaloka talaga yun. namflirt pa sya ng girl.kadiri talaga kasi mas maganda pa sya dun sa inask nya haha!kasi daw yung mga guys kung hindi bading, malaki ang tyan o nakakalbo.haha!mahirap na ngang maghanap ng ok na guy sa panahon ngayon.

nung gabi naman, i watched the making of encantadia. maganda naman ang pagkakagawa although parang yung feel nung mga scenes parang LOTR, yung story naman ok lang. and i like their gown wala lang chaka yung make-up ni amihan hehe o kaya yung costume ni inang reyna. ganda-ganda ni Dawn!

may 2: monday
went to mae's house. nanghingi ako ng mga files nung mga dating projects and some installers.thanks super mae ha?for the first time nakapunta na ako sa inyo ng mag-isa. (kahit muntik na akong mawala hehehe).

pag-uwi ko may sakit na naman ako..:(

yung encantadia, nagstart na. nakakatuwa talaga, maganda yung opening.natutuwa pa ko sa ending song. haha!ang ingay nga namin ng mga kapatid ko pag natatapos yun nagsisigawan na kami hehe.ang saya talaga pag may kapatid ka pang mga bata.nakakamiss maging bata ulit at maging makulit.:D

may 3: tuesday
me and ma went to different offices to get documents. inuna namin yung nbi. nakakainis may hit yung sakin. babalik pa daw ng friday.hay naku.then we went to city hall. sympre umabot kami sa break time dahil pasaway sa dami ng tao sa nbi. ayun naghintay pa kami at naimbyerna ko sa aling nakiupo lang sumingit pa sakin.at ito pa ha?kinakausap pa ko.di ko na nga kinikibo nagparinig na ko nagpauna parin.bakit ba may mga ganung tao.pasaway.oh well.tapos nung nakarating ako sa scheduling, wish ko lang talaga monday pa daw babalikan. goodbye passport na to.di na talaga aabot. kakausapin ko na lang si ms. karen. hay naku. then last yung sa sss. buti yun saglit lang eh.pero di muna ko nagpagawa ng id kasi masama na ulit pakiramdam ko..:-/

yung all about eve, wala lang. ung episode ba naman sabi nung isang reporter kay erika, "wag ka sasama sa taong mahal mo. piliin mo yung taong nagmamahal sayo. kung hindi mahihirapan ka lang. tama ba yun??

may 4: thursday
ah this is my imbyerna day sa school. ang hirap na pumasok dahil di na gumagana ang aming summer pass. grabe no parang di ka talaga kikilalanin na student. dapat daw may alumni card na ko.weird.hay naku.sige kukuha na nga ako nun.lagi na lang pipila sa south gate eh.ang hirap. went to thesis room after. binisita ko ang masipag na thesis group ng ct lab. good luck sa inyo ha?kayang-kaya nyo yan guys:D

may 5: friday
i was at nbi center ulit. binalikan ko na yung paper ko. tapos pagdating ko dahil mababait ang mga tao roon, bumalik raw ako ng 11am. i was there ng mga 8:45am. nakakaiyak. pumunta muna ako ng school, may kinuha then uwi muna. tapos saka ko binalikan. kinabahan ako nung una kasi sabi sakin punta daw ako ng quality control. dun daw yung mga may kapangalan na may kaso. napaka-common kasi ng name ko eh. buti na lang yung reason lang is yung aobout sa dost ko. takot ako dun. madali pa naman ako kabahan kahit wala naman ako ginagawa.tapos kasi yung mga nauna pa sakin kung tanungin nila, "ikaw ba talaga yung sumaksak". sympre lalo akong kinabahan. buti na lang talaga.

naiinis ako wala na si constantine. di ko pa rin maisip na natanggal sya. hay naku. wala na di na ko excited manood ng AI.sayang talaga sya..:,(

yung love moves.. parang di na talaga ako nilulubayan. sa lahat ng puntahan ko sa buong linggo na to narinig ko sya.minumulto na ko nung kanta.haayy..
may bago akong anime na sinusubaybayan: sorcerer orphen.hehe ang ganda cute pa nung bida.:D

sobrang love ko na si michael buble. ang gaganda ng mga song nya. gusto ko yung save the last dance for me, home and yung feeling good. nakakatuwa..:D ang cute-cute pa nya!:D kenneth akin na lang yung cd mong may autograph *sob*

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers