Sunday, May 17, 2009

David Cook - David Archuleta Concert

Share it Please
Kakauwi ko lang dito sa Pasig galing ng concert ng dalawang David: David Cook and syempre, ang aking mahal na si David Archuleta. Ang masasabi kolang: SULIT ANG TICKET!!! Kinakabahan kasi ako na baka malayo yung nabili naming ticket. Kasi dun sa parang venue map eh medyo malaki yung sakop ng Platinum. Pero ayun maayos naman yung pwesto namin. At dahil hindi pa kami nasiyahan tumuntong parin kami sa upuan namin hahaha! Ang tangkad kasi nung ibang nasa harap namin kaya nakakahiya man sa nasa likuran namin, tumayo na rin kami =P

Muntik ko pa ngang hindi masimulan ng maayos dahil nakipila pa ako sa CR. At andun din si Chynna Ortaleza sa pila (Unang celebrity encounter for the day, may mga kasunod pa to hehe). Pagkarinig ko palang ng tugtog hala tumakbo na agad ako pabalik sa pwesto namin at ayun nakigulo na ako =)

Unang kinanta ni Archie yung Touch My Hand. Grabe kinanta nya talaga yung mga gusto kong songs. Mabuti talaga. Kinanta nya yung A Little Too Not Over You, To Be With You (currently my fave eeeeeee!), at yung A Thousand Miles. Hindi ko nga alam to actually kasi hindi naman ako gaanong nagne-net unless nasa office o kaya kapag may kailangan lang tingnan. Favorite song ko kasi yung Thousand Miles dati pa. Gusto ko kasi matutunan yung piano nun eh. Tapos yun pala yung una nya raw natutunang tugtugin (oo sobrang late haha, hindi talaga ako super fan hehe). Kaya ayun sobrang tuwa ako na bigla eh kinanta nya. Haayyy Archie, kung alam mo lang gano kaimportant yung song na yun sakin =)

Yung To Be With You grabe kala ko nga maiiyak ako kasi nagpipigil ako ng emosyon dahil manginginig yung kamay ko habang nagbi-video. Kaya ayun, ngalay man sulit. Nakanta nya ng maayos at ang galing din ng partner nya si Kendra. Galing nya mag-piano. Napaka-talented nya ibang klase.

Yung Zero Gravity kinanta rin nya. Ganda rin ng song na yun eh. Haha nakakatuwa nga para syang Zac Efron nung parang napapasayaw na sya. Ang cute! Kakatuwa talaga. =)

Maganda rin yung You Can (na favorite naman ni Mica). Baka nga yun yung sunod na favorite ko after ng Zero Gravity. Hala lahat na lang ata ng kanta nya after nung concert gusto ko na. Ang galing kasi niya mag-live. Parang recording yung quality, pero hindi naman yung sobrang para ka langnakinig sa CD. Kasi iniiba nya yung tono. Ang galing nga eh.

Kinanta rin pala nya yung Stand By Me na may medley ng Beautiful Girl. Aliw nga eh hindi nya talaga kinanta yung suicidal na word. Ginawa nyang in denial. Dahil daw sa religion sabi ni Mica. Napakabait na bata nun. Parang sobrang angelic at hindi makakagawa talaga ng masama hehe.

Sa kanta niya pang Your Eyes Don't Lie, ang cute niya dun sa sipol, hehe.. wala lang nakakaaliw lang na siya talaga yun. Kala ko baka may iba sa band na gagawa nun eh. Nakakatuwa lang =)

Ang haba na nito pero parang ang dami ko pang gusto sabihin about sa kanya. Finale pala nya yung Crush. Unang kanta sa album na nagustuhan ko. Ang saya-saya! lalo na kapag nagha-hand gestures sya at yung nag-tagalog. "mahal ko kayo!" waaaahh!!

Ayun ang saya. Parang ang bilis nga natapos eh. Parang gusto ko andun lang siya sa stage kung saan nakikita ko siya kahit si Cook na nagpe-perfor (asa!). Imagine nagpunta pa kami ng Meet and Greet nya sa MOA para lang makita siya ng malapitan. At kahit 3-4minutes lang na Hi at pose yun, sulit na kasi ang lapit namin. Ang saya talaga nun! Hayy. ang swerte ng magiging girlfriend nun. Sana makakita ako ng gaya nya (San naman kaya haha!). Kayo baka may kakilala kayo sabihan nyo lang ako ha? =P

Okay, ang haba na ng kay Archie, David Cook naman tayo =)

Sa totoo lang kagabi ko lang pinakinggan yung mga kanta nya. Hindi kasi talaga ako into rock pero may ilang kanta naman siya na okay sakin gaya ng Time ofMy Life (ito pinakagusto ko sa kanya), Come Back To Me at yung Last Request (kaso hindi niya to kinanta). Declaration ayos din sa akin. Medyo hindi ko alam karamihan ng kinanta nya kanina eh. Pero okay siya mag-perform. Napansin nga lang namin na mas maayos yung gamit ng lights sa kanya kaysa kay Archie. Pero ayun. Ang galing nya magdala ng crowd. May part pa nga na bumaba siya tapos nakigulo sa mga nasa front row. Ang swerte nung may-ari ng camera na kinuha ni Cook at kinuhaan ang sarili niya. Ang kulet din niya kasi bigla-bigla siyang tumatawa ng maikli. Ang kulet pero cute din at the same time. Mga tagalog attempts nya ay "magandang gabi" at "Salamat po". Inulit pa nga niya yung salamat kasi nung una nakalimutan raw niya yung po. Alam niya na important yung sa atin o diba?

Ang nanghinayang lang ako yung Time of My Life hindi nakanta. Okay nga yung idea ni Mica na bigla dun papasok si David Archuleta. Kaso yung finale ni Cook ay yung kanta niya para sa brother niya yung Daily Anthem. Tapos dun na sa dulo nung songpumasok si Archuleta. Sayang mas masaya sana kung yung Time of My Life. Yun kasi talaga yung gusto ko kay Cook eh. Tapos patok din yun sa boses ni Archie.

Pero overall. Oks na oks ang concert! Sana may duet sila pero ayun. The fact na nakanta ni Archuleta yung mga songs na gusto ko (sige na bias na kasi lahat halos okay naman sa akin). sulit na sulit na. Weeeee!=P

Ano pa ba nga nangyari? After ng concert pala lumabas na naman pagiging fan ko UAAP style. Nakita kasi namin sina Sen, Bugoy at Jed Madela. Ayun nagpa-picture kami ng nagpa-picture. Nagulat ako, ang gwapo ni Sen sa personal. As in ang kinis talaga. Para kasing sa TV normal lang eh. Ang bait pa. Hahaha!Nahalata niya kayang ang daming beses kong nagpakuha kasama sya? Sana hindi hehehe. Si Jed Madela yung last eh. Buti nga natawag pa namin siya eh kasi sumaglit lang siya tapos ayun. Okay din kasi siya sakin as singer. Taas kaya ng boses nun!

Grabe nakakapagod ang araw na ito. Kung pwede lang sana irewind yung mga nangyari. Naka-repeat for sure yung portion ni Archie. Haayy.. sana hindi ito ang huling time na makita ko siya. Sana naman..


PS: Sa mga kasama ko kanina, sina Mica, Albert, Steven at Krissie, thank you sa mga pics at video=) pasensya na naki-picture lang ako at naki-video (salamat talaga mica navideo yung mga fave songs ko ni archie). Ala parin kasi akong digicam huhuhu..

Ayun sana nakauwi kayo ng maayos. Hintayin ko mga post nyo ha? =)

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers