Tuesday, April 14, 2009

Balik Opisina

Share it Please
Kahit nakakatamad pumasok, kahit sobrang late na ako at ang daming ginawa nung umaga, pumasok parin ako after lunch. Grabe sa haba ng bakasyon na yun dapat super excited na ako pumasok gaya nung mga dati. Pero ewan ko ba. Nakakatamad talaga. Parang hinihiling ko na sana hindi na lang muna mag-Monday. Pero wala eh. Kailangan na ulit indahin na isa akong empleyado na kailangang pumasok ng opisina para magkaroon ng panggastos sa araw-araw (drama!). Buti nalang may ginagawa na kami. Kahit papaano hindi ko na poproblemahin paano uubusin ang maghapon sa pag-surf sa net at magbasa ng kung anu-ano. Mas okay na yung abala kesa bored.

Ang aga ko nga today eh. Paano yung kapatid ko kailangan bago mag-6am nasa tita ko na sa may Pandacan. Kaya ayun nadamay ako sa pagkamaaga nya kanina. Eh hindi na rin ako makatulog kaya ayun nag-ayos na lang ako ng gamit at nagbasa-basa ng magazine para lang huwag maging super aga sa office. Ang resulta, mababa ang energy ko. Hehe. Ganito talaga ako kapag maaga pumapasok =P Maya-maya makaka-recover na ako.

Maaga ako makakauwi. Sana naman this time maka=swim na ako. Nung sunday pa ako swim na swim eh. Kaso may party sa clubhouse kaya hindi ka pwedeng makigulo. Sana palarin na ako mamaya. Kailangan ko ng sports. Bumabalik na naman yung feeling ko na nagkaka-tyan na ako eh. Mali ito lalo at mag-a-outing na ulit sa May. Kailangan na maghanda =)

Pahabol:
Ngayon nga pala ang birthday ng Nanay Yolly ko. Grabe apat na taon na rin pala siyang wala. Ang bilis talaga ng panahon. Happy Birthday sayo, Nay!

No comments:

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers