Thursday, October 13, 2005

Paalam, Nanay Yolly

Share it Please

PAGLISAN

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Hmmm

Sa pagbuhos ng ulan Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin ahhh
Di man umihip ika'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ooh ooh ooh ooh

Galing ako ng office, kumain pa nga kami kagabi dahil dumating si Vicky nung gabi sa HP. Deployed na rin daw sya. Late na ako nakauwi. Usual na yun. Sanay na sa bahay. Pero anong balita ang dumating? Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, lolo ko sinabi, "Wala na ang lola mo..". Nagulat ako. Nagulat pa rin ako kahit alam kong may sakit na talaga sya. Alam kong nahihirapan siya dahil mahirap yung sakit niya, sa puso at sa baga. Alam kong lumalaki ang puso niya (Enlargement of the heart), pero hindi ko alam na tatlong kamao (fist) na pala ang laki nun. Kaya pala. Hindi naman talaga ako iyakin pero pagdating ko samin, parang lahat ng guilt naramdaman ko. Heto ako, abala sa trabaho, sa pag-ipon ng gamit sa bahay. Nag-internet lang buong maghapon, nakipagkwentuhan sa mga kaibigan, inisip ang balita about UAAP, yung concert ni Buble at kung anu-anong bagay, na hindi ko man lang naisip ang Nanay. Nakaka-guilty talaga. Malapit talaga ako sa kanya. Magkasundo kami. Marami kaming problemang pinagsamahan. Naalala ko pinagkwento ko pa siya tungkol sa kanila ni Tatay. Hindi kasi ko malapit sa lolo ko. Marami kasi siyang ginawa na alam kong hindi tama. Galit ako sa kanya dati pero sinasabi ni Nanay na hindi raw dapat. Kahit yung kapatid niya na galit sa akin lagi naming pinag-aawayan. Hindi rin daw ako dapat magalit doon dahil lola ko rin yun. Kahit pa nga ayaw niya sakin. Kahit pa nga halos parang hindi kapatid ang turing nun sa kanya. Sobrang matiisin kasi si Nanay. Napakabait nun at hindi marunong magtanim ng sama ng loob. O hindi nga ba? Baka kinikimkim niya lang. Hindi ko na malalaman sa ngayon.

Ngayon ko naramdaman ang tunay na pakiramdam na sasabihin mong "Sana may ginawa ako." Ganun pala yun, lahat ng araw na parang pakiramdam mo may iba kang ginagawa, may iba kang inaalala, na hindi mo siya naiisip, maiisip mo na bakit nga ba hindi ko man lang siya dinaanan bago ako umalis? Sandali lang naman yun. Hindi naman strikto ang Head ko ngayon. Pero wala akong ginawa. Naalala ko proud pa ako na naglaba ako nung sabado. Pero hindi ko man lang siya napuntahan at nakausap kahit alam kong buong araw lang ako sa bahay. Naalala ko lahat ng mga pinag-uusapan namin dati. Yung pangako ko sa kanya nung bata ako na kapag yumaman ako magiging maayos ang lahat sa amin. Sabi ko noon pag 50 na sya. Nawala sa isip ko 56 na pala si Nanay. At kahit pa lumipas ang araw hindi ko na matutupad ang pangako na iyon.

Bakit ba hindi ako naglaan ng oras sa kanya? Hindi ko siya dinalaw nung na-ospital siya. Bakit? Dahil takot ako. Takot ako sa mga bagay na magpapakita at magpapa-isip sa akin ng kamatayan. Oo. Takot akong mamatay. Takot akong makakita ng isang taong mamamatay sa harap ko. Hindi ko kayang harapin ang takot na iyon. Kaya kahit sinong ma-ospital sa amin hindi ako nagpupunta. Hindi rin ako makapag-text ng maayos sa mga taong namatayan dahil hindi ko alam ang sasabihin at takot akong malaman kung ano ang nararamdaman nila. Ngayon alam ko na. Nung namatay ang kuya ko, wala pa akong muwang nun. Hindi ko alam ang naging pakiramdam ng mawalan. Si Nanay na siguro ang pinakamalapit na kamag-anak na nawala sa akin. Kinausap ko lang siya kapag paalis na ako tapos madadaanan ko sya sa labas magpapaalam na papasok na ako. Hindi pa nga niya ako nakilala nung isang beses na kinausap ko sya. Tapos nakalimutan rin niya ang birthday ko. Pero naisip ko, nung may bisita ako, naalala ko rin ba siya? Parang hindi ata. Lagi kasi siyang nakakulong sa kwarto. Natatakot daw siyang lumabas. Kapag tinawag ka naman niya makukulitan ka dahil paulit-ulit ang sinasabi. Lagi daw may gustong humabol sa kanya. Hindi ko talaga kayang harapin yung ganun. Na nakikita ko isang tao na may sakit. Pero nitong linggong ito ayos pa talaga siya hanggang nung ala-6 ng gabi. Tapos nung ala-7 na, naghingalo na raw. Wala na siya.

Ang masakit lang nito, mahirap lang kami. Mahirap na nga siya buong buhay niya, hanggang sa pumanaw siya ganun pa rin. Ang masaklap pa, namatay siyang iniisip niyang binalewala namin siya. Lahat kasi ng anak niya may pamilya na. Nagsasalitan lang ng pag-asikaso sa kanya. Nagi-guilty talaga ako. Parang ngayon ko naisip na sana kinausap ko siya na magpagaling, kahit para sa aming mga apo niya. Pero wala na. Hinayaan ko lang siyang umalis.

Nagpaplano kami ni Mama ng pagdalaw kay kuya dahil mahaba ang magiging bakasyon. Pero ngayon, dalawa na sila ni Nanay. Nakakalungkot talaga..

Nay, sana masaya ka na ngayon. Patawad sa mga hindi ko nagawa. Alam ko alam mo na mahal kita, kahit ni minsan, hindi ko yun nasabi sayo..

3 comments:

Anonymous said...

my condolences sally...
she's in a better place now.. *hugs*

ledabrigino said...

i hope u'll be ok na. of course i know it's not ok (bugsshk leda) bt what i mean is... sana u'll take this opportunity (pati family mo) to see God :D

i know u're one courageous gal!

salamat sa sharing ha *mwah* ..condolence agen

a p a n y said...

condolences sally... (hug)

Post a Comment

All Time Popular Posts

GFC Followers